Pusang Gala Ka Gloria!

>> Friday, March 5, 2010

Gloria, gloria, awit sa pagsamba
Gloria, Gloria, pighati ng maralita.

Sa bansa na ang sinungaling ay
Nagiging presidente; ang magnanakaw
Ay naghahapunan sa hapag ng banyaga;
Ang mandaraya ay nagkakaroon ng
Siyam na buhay tulad ng pusang gala; at
Ang mga mamamatay-tao’y mas malaya
Pa sa mga tapat sa batas
Pusang gala nga naman!

Anong gloria pa ang maasahan?

Mabuti pa ang pusang gala, marunong
Dumila at luminis ng dumi sa katawan,
Gloriang may siyam na buhay ay di
Man lang nakita ang putik ng kanyang
Pandaraya at pagnanakaw sa mga aba.

Mabuti pa ang pusang gala, inaamo ang
Siyang nagbibigay ng pagkain sa kanya,
Gloriang siyam na taon na sa Malakanyang
Inamo ang mga heneral binusog ang
Mga bundat nilang tiyan.

Sana naman, ay hanggang siyam na
Lang talaga ang buhay ng Gloriang ito,
Kundi ay mabuti pang gawin na lang
Siopao na asado ng magka-gloria
Na ang bansang nakuba ng panahon.




4 comments:

jan geronimo March 5, 2010 at 10:11 PM  

Bansang kinuba ng panahon. I love that. :)

elmot March 5, 2010 at 10:41 PM  

@jan: heheheh! at least kuba pa lang Bro, hindi pa totally lumpo eheheh!

Anonymous,  January 2, 2011 at 6:44 PM  

hello,at least may nagawa...you don't know what you saying my dear..punta ka sa bohol pra makita mo ang kanayng nagawa...na alam namin na mapapakinabangan namin sa habang panahon..u

Anonymous,  July 1, 2011 at 1:51 AM  

nice bro..
like

Post a Comment

About This Blog

Pinoy Sounding Board Ani-Mo! Gossip Eater PRC Board Exams Results and Passers List Pinoy Shout Outs Showbiz Duke

Back to TOP